Naniniwala ang local sports analyst na si Arnel Antiporda na magiging agresibo si Jessie Vargas sa kanilang laban ng fighting senator na si Manny Pacquiao.
Ayon kay Antiporda, mas bata si Vargas na gustong makakuha ng tiyansa para tamaan si Pacquiao subalit hindi rin matantiya kung kayang patigilin ng Pinoy ring icon ang WBO welterweight champion.
Target umano ng team Vargas na i-knock out si Pacquiao para makakuha ng atensyon sa susunod nitong laban.
Hindi rin naman nagpapabaya ang kampo ni Pacquiao na planong agawin ang titulong hawak ni Vargas kahit na may preparasyon aniya si Vargas sa nalalapit na laban.
Subalit kung basehan umano ang mga nakalaban ni Vargas, hindi gaanong sikat ang mga ito kumpara sa lahat ng nakalaban ni Pacquiao na dekalibre sa boxing ring.
By Mariboy Ysibido