Inalis na sa listahan ng mga variant of concern ang Theta variant o P.3 variant na unang nadiskubre sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Eva Cutiongco – Dela Paz, Executive Director ng National Institutes of Health, ni-reclassify ang Theta variant bilang ‘alert for further monitoring’.
Sinasabing ang Theta variant ay mayroong potensyal na maging mas nakakahawa, ngunit ayon sa DOH hanggang sa ngayon ay wala pang sapat na ebidensyang magpapatunay na mayroong malaking epekto ang naturang variant.
Ani Dela Paz, sakaling magkaroon ng bagong ebidensya hinggil sa Theta variant ay maaari namang ire-assess ang pagtukoy dito bilang alert.