Inirekomenda sa pamahalaan ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang paggamit ng variant-specific vaccines bilang booster dose.
Ayon kay Solante, mataas ang posibilidad na mas mabisa itong panlaban sa nakakahawang Omicron variant para masolusyonan ang humihinang bisa ng primary vaccine series pagkalipas ng ilang buwan.
Iginiit ni Solante na ang variant-specific vaccines ay may mataas na proteksiyon laban sa Omicron variant kaysa sa ibang mga bakuna.
Sa kabila nito, mabisa pa rin ang booster shots na ginagamit ng pamahalaan laban sa Omicron kung saan, ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC), nasa 14,704,514 indibidwal na ang tumanggap ng unang booster shots habang aabot naman sa 648,555 ang nabigyan na ng second booster dose ng pamahalaan.