Iminungkahi ng ilang conusmer group na alisin na ang Value Added Tax (VAT) at ang Biofuels sa diesel at gasolina para mapababa ang presyo nito.
Paliwanag ni Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba, isa sa nagpapamahal sa presyo ng diesel at gasolina ay ang ipinapataw na 12 porsyento ng VAT.
Mayroon din umanong 10 porsyentong ethanol sa gasolina at dalawang porsyentong biodiesel sa diesel.
Sinabi naman ni Independent Philippine Petroleum Companies Association Chairman Fernando Martiniez na bukod sa mahal ang biofuels ay hindi pa ito nakakabuti para sa kapaligiran.
Samantala, sinang ayunan naman ng Department of Energy na pag aralan ang batas na nakakasakop sa paggamit ng biofuels.