Isinusulong sa senado ang panukalang batas na i-exempt sa VAT ang mga educational tools at gadgets na gagamitin ng mga guro at estudyante sa blended learning na bagong pamamaraan ng edukasyon sa bansa.
Sa Senate Bill Number 1872 ni detained Senator Leila De Lima, aamyendahan nito ang National Internal Revenue Code nang sa ganun ay ituring na essential commodities ang mga educational materials at mga gadgets para malibre sa 12% na VAT.
Pagdidiin ni De Lima, sa hakbang na ito, mapapababa ang presyo ng mga nabanggit na mga kagamitan sa pag-aaral.
Mababatid sa ngayon, ay maraming dumaraing na mga magulang dahil nahihirapang makabili ng mga gadgets ang mga ito na gagamitin sa online learning ng kanilang mga anak.―ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)