2 araw bago magpasko, mapakikinabangan na ng Persons With Disabilities o PWD’s ang VAT exemption sa ilang serbisyo at mga bilihin.
Ito’y makaraang mailathala na sa mga pahayagan ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Republic Act 10754 na nagbibigay ng VAT exemption sa PWD’s.
Ang naturang batas ay nag-amiyenda sa magna carta for disabled persons.
Sa ilalim ng bagong batas, exempted sa VAT ang PWD’s sa mga restaurant at recreation centers tulad ng mga sinehan, concert halls at inns.
May VAT exemption din sa pagbili ng gamot at pagkain, medical at dental services kasama ang laboratory fees at professional fee ng mga doktor.
At kahit ang pamasahe sa domestic air, sea at land transportation; maging ang serbisyo sa punerarya at paglilibing ay sakop ng VAT exemption.
By: Meann Tanbio