Tatlong gamot para sa mental illness ang tinanggal ng Food and Drug Administration sa listahan ng mga exempted sa 12%- value-added tax.
Sa liham na ipinadala kay BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo, sinabi ni FDA Director General Samuel Zacate na inalis nila ang naturang mga gamot mula sa VAT exempt drugs dahil sa kabiguan ng mga ito na sumunod sa provisions ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law.
Inalis sa vat-exempt medicines ang dexmedetomidine for intravenous infusion; dexmedetomidine, concentrate solution for intravenous infusion; at dopamine hydrochloride, solution for reconstitution.
Sa ilalim ng CREATE law, exempted sa ipinapataw na vat ang mga gamot para sa ilang mga sakit gaya ng cancer, diabetes, tubercolosis, at mental illness.