Good news sa mga Persons with Disabilities (PWDs) o may mga kapansanan.
Mapapakinabangan na nila ang kanilang exemption sa pagbabayad ng 12% value added tax o VAT sa mga serbisyo at mga bilihin.
Ito’y makaraang lagdaan na ng mga mambabatas ang implementing rules and regulation o IRR ng RA 10754 o ang act expanding the benefits and privileges of persons with disabilities.
Kabilang sa mga pumirma sina dating Leyte Rep. Martin Romualdez na siyang may-akda ng batas, DSWD Secretary Judy Taguiwalo, Congw. Yedda Romualdez at Sen. Sonny Angara.
Ayon kay Romualdez, ang pagkakalagda sa IRR ng RA 10754 ay magandang pamasko sa mga PWD dahil maaari nang maipatupad ang batas bago sumapit ang Pasko.
Expanded coverage
Mas malawak ang sakop ng batas kaugnay sa exemption ng PWDs o persons with disabilities hinggil sa pagbabayad ng 12% VAT (value added tax) sa mga serbisyo at mga bilihin.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Carmen Zubiaga, Director ng National Council for Disability Affairs matapos lagdaan ng mga mambabatas ang Implementing Rules and Guidelines ng Republic Act 10754 o an act expanding the benefits and privileges of persons with disabilities.
Dahil dito, ipinabatid ni Zubiaga na ma-eenjoy ng PWDs ang mga benepisyong tulad ng sa senior citizens tulad ng diskuwento sa mga pasahe, gamot at pagpapa ospital .
Sinabi ni Zubiaga na maging ang guardians o caregivers ng PWDs ay uubrang magkaroon ng tax exemption.
Bahagi ng pahayag ni Director Carmen Zubiaga ng National Council for Disability Affairs
Kasabay nito, sinabi rin ni Zubiaga na tuluy-tuloy ang information campaign ng National Council for Disability Affairs kaugnay sa ipinasang batas.
Bahagi ng pahayag ni Director Carmen Zubiaga ng National Council for Disability Affairs
By Jelbert Perdez | Judith Larino | Ratsada Balita