Ganap nang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas na nag-aalis ng 12 percent VAT para sa mga may kapansanan o Person’s with Disability (PWD).
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, Marso 23 pa nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 10754 na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga may kapansanan tulad ng sa mga senior citizens.
Sa ilalim ng nasabing batas, sinabi ni Coloma na makakukuha na rin ng VAT exemption ang mga may kapansanan sa kanilang serbisyong medikal at dental.
Hindi na rin kailangang patawan ng VAT ang mga PWDs sa mga bibilhing gamot sa botika gayundin sa pagsakay sa MRT/LRT at bawas pasahe sa mga bus.
Mayroon ding VAT exemption ang mga ito sa mga sinehan, concert hall, serbisyo sa mga hotel, restaurant at recreation centers.
Maliban sa 20 percent discount, makukuha ng mga PWDs ang VAT exemption sa sandaling ipakita na ng mga ito ang kanilang identification o ID cards o di kaya’y pasaporte.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)