Siniguro ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara na mananatili ang VAT exemption ng mga Senior Citizen at may kapansanan, sa ilalim ng revised tax reform package ng Department of Finance (DOF).
Sinabi ni Angara na ang pagiging bukas ng Department of Finance sa kahilingang panatilihin ang exemption ay patunay na nakikinig ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kahilingan ng mamamayan.
Ayon kay Angara, magpapatuloy din ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga economic manager para makabuo ng isang komprehensibong tax reform bill na magiging patas sa lahat.
Samantala, itinakda naman ni Angara sa Enero 25, araw ng Miyerkules, ang panibagong pagdinig hinggil sa usapin ng tax reform.
Kaugnay dito, naglaan ang Makati Social Welfare Department ng P11.2 Milyon para sa mga programa at serbisyo nito sa mga PWD o person with disabilities ngayong taon.
Nagpapatupad din ang lokal na pamahalaan ng special program for the employment of students sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment.
Aabot na sa 7000 ang mga PWD sa Makati.
By: Katrina Valle / Cely Bueno / Meann Tanbio / Allan Francisco