Magbubukas ng reception center ang Vatican para sa mga refugee.
Ayon kay Polish Cardinal Konrad Krajewski, isang gusali sa Roma na pag-aari ng Sisters Servants of Divine Providence Of Catania ang magsisilbing Refugee Reception Center.
Aabot sa 60 asylum seekers ang maaari nitong i-accommodate kung saan kabilang dito ang mga single women, mga kababaihang dala-dala ang kanilang anak at vulnerable families sa kanilang unang buwan sa Italy.
Magugunitang iminungkahi ni Pope Francis ang paggawa ng “human reception” para sa mga asylum seekers na dumarating sa Europe.