Isinara muna ng Vatican sa mga turista ang St. Peter’s Square at St. Peter’s Basilica dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) hanggang Abril 3.
Sinabi ng Vatican na bubuksan lamang ang Basilica sa mga mananampalataya.
Kabilang sa isasara ang kanilang post office sa Vatican Square na pinupuntahan ng mga turista gayundin ang mga bookstore at photo service.
Sarado rin maging ang cafeteria sa loob ng Vatican para sa mga empleyado.