Pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque, III at opisyal ng Inter-Angency Task Force ang soft-launch ng Vaxcert PH program para sa mga nabakunahan na na OFW at mga Pilipino na mangingibang bansa na ginanap sa SM City Clark, Pampanga, makaraang araw.
Ayon kay Duque, ang Vaxcert PH Platform ay maaring gamitin sa lokal at internasyonal na byahe alinsunod sa guidelines ng World Health Organization (WHO) sa pagpapatupad ng COVID-19 Certificates.
Aniya, ang importansya ng programang ito ay para masiguro na ang mga OFW at iba ay hindi magkaroon ng problema sa pangingibang bansa.
Samantala, ang naturang programang ito ay nilahukan din ng National Task Force Against COVID-19 at SM supermalls.—sa panulat ni Airiam Sancho