Tinanggal na ng Cebu Province ang vaccination card requirement para sa mga inbound passenger.
Sa isang Executive Order na nilagdaan ni governor Gwendolyn Garcia, muli nitong sinabi na ang pagluluwag ng quarantine restrictions ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kaugnay nito, hindi na ire-require ang mga fully vaccinated traveler na magpakita ng anumang uri ng COVID-19 test result habang ang mga hindi pa nababakunahan ay hinihikayat na magpa-rapid antigen test na valid sa loob ng 24-oras.
Binigyang-diin naman ni Garcia na opsyonal na rin ang pagsusuot ng face mask para sa lahat ng pasahero na magtutungo sa naturang lalawigan.