Binigyang-diin ng Comelec na walang magaganap na eleksyon kung hindi maisasagawa ang final testing and sealing sa mga gagamiting vote counting machine sa halalan.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, bago isagawa ang halalan kailangan munang masiguro na ang mga gagamiting vote counting machine ay gumagana at walang aberya.
Gusto aniyang ipakita ng Comelec sa publiko na walang magiging problema sa mga VCM at iniimbitahan ng ahensya ang publiko upang saksihan ito gaya ng mga election watchdog, stakeholders at mga accredited citizens arm.
Sinabi rin ng tagapagsalita na sisikapin ng ahensiya na i-live stream ang gagawing testing at sealing upang masaksihan ng mas maraming Pilipino, nasaan man sa mundo.—sa panulat ni Mara Valle