Dumating na sa United Arab Emirates o UAE ang mga ballot box at automated vote counting machine na gagamitin sa May 9 elections.
Ayon kay Philippine Consul General Paul Raymund Cortes, ang ballot boxes at VCM’s ay dinala sa Philippine Consulate sa Dubai.
Tuwing Biyernes ay pupuntahan ng mga kinatawan ng Philippine Consulate ang iba’t ibang siyudad kabilang ang Sharjah, Fujaira at Ras Al Kaimah para mahimok ang mga Pilipino na bumoto.
Tinatayang mayroong 122,000 Pilipino sa UAE ang rehistradong botante.
Samantala, nakatakdang isailalim sa testing ang 12 vote counting machines sa Office of the Philippine Consulate sa Dubai sa susunod na linggo.
By Meann Tanbio