Aabot na sa 85% ng mga gagamiting Vote Counting Machines (VCMs) ang dumaan at nakatapos na sa final testing at sealing.
Ayon kay Acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, katumbas ito ng 90,305 VCMs.
Habang ang natitirang 15% ang tatapusin na ng ahensya ngayong araw para mabuo ang 106,174 machines na gagamitin bukas.
Maliban dito, 0.19% o maliit na porsyento na lamang din ang nakitang depektibong mga SD card dahil mabilis agad itong nalulunasan ng mga nasa vincial technical hub sa lahat ng probinsya.