Dumating na sa Italy ang tatlong (3) vote counting machines (VCMs) na gagamitin para sa Eleksyon 2016.
Mahigit 30,000 Pilipino ang nagparehistro para sa absentee voting doon.
Nakatakda silang bumoto mula Abril 9 hanggang Mayo 9 sa Philippine Consulate sa Milan.
Sa ngayon, hinihintay pa ng konsulado sa Milan ang listahan ng mga poll watcher na itatalaga ng Commission on Elections (COMELEC).
Sa tala ng Commission on Overseas Filipinos, kabilang ang Italy sa top 10 destinations ng mga OFW.
By Meann Tanbio