Suportado ng Department of Health (DOH) ang pag-aaral ukol sa paggamit ng virgin coconut oil (VCO) para mapabilis ang pagpapagaling sa mga idibidwal positibo sa COVID-19.
Mababatid na sa loob ng 28-araw, ay inobserbahan ng DOST-FNRI ang 57 probable at suspect cases para sa virus sa Sta. Rosa sa Laguna.
Ang mga ito ay pawang nasa 20 anyos pataas at walang iniindang problema o sakit sa puso.
Kasunod nito, ang kalahati sa mga ito ay binigyan ng VCO kasama ng kani-kanilang pagkain, ang kalahati naman ay nagsisilbing control group na hindi binigyan ng VCO.
Kaugnay nito, batay sa pag-aaral, ang sintomas sa mga indibidwal na nilagyan ng VCO ay bumaba sa sumunod na ikalawang araw at nawala na nang tuluyan noong ika-18 araw.
Bukod pa rito, bumaba rin ang C-reactive protein levels na tumutukoy sa infection level ng isang indibidwal.