Lumabas sa dalawang pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na nakababawas ang virgin coconut oil (VCO) ng mild at moderate symptoms ng COVID-19 cases.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato De La Peña, natapos na nila ang trial na isinagawa sa Sta. Rosa City, Laguna noon pang isang taon hinggil sa mga pasyenteng mayroong sintomas na lumabas sa mga quarantine center.
Sa ikalawa anyang pag-aaral sa Valenzuela City, ang lahat ng lumahok na nasa 77 positibo sa COVID-19 sa RT-PCR bago ang trial.
Nakumpirma sa unang findings sa Sta. Rosa na napapaaga ang resolution of symptoms sa mga gumamit ng VCO.
Sa naturang pag-aaral, inilagay ang VCO Sa pagkain ng mga pasyente at walang karagdagang gamot.