Nagpakita ng magang resulta ang virgin coconut oil (VCO) sa isinagawang clinical trial bilang food supplement sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, gumaling ang lahat ng mga isinalang sa clinical trial ng VCO sa Sta. Rosa Community Hospital sa Laguna sa loob ng 18 araw, samantalang hindi nakarekober ang mga hindi nabigyan ng VCO —makalipas ang 23 araw.
Bagamat limang araw lamang ang pagitan ng paggaling ng mga isinailalim sa clinical trial ay mahalaga pa ring mas mabilis na gumaling ang nabigyan ng VCO.
Sinabi ni Dela Peña na ang mga isinailalim sa clinical trial ng VCO ay mga suspect at probable cases ng COVID-19.
Bukas inaasahang idedetalye ni Dela Peña ang resulta ng clinical trial ng VCO bilang supplement laban sa COVID-19.
Tuluy-tuloy pa rin naman ang clinical trial na kabilang sa severe at moderate cases ng COVID-19 sa Philippine General Hospital, samantalang pinag-aaralan na rin ang clinical trial sa mga comorbidities.