Ikinukunsidera ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang Virgin Coconut Oil (VCO) bilang posibleng pandagdag lunas sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Dr. Imelda Agdeppa, Director ng DOST-FNRI, sakaling mayroon nang existing na gamot na naibigay sa pasyente ay maaari pa rin itong bigyan ng VCO na inaasahang makakatulong sa paggaling ng pasyente.
Ani Agdeppa, tapos na ang pag-aaral sa VCO na isinagawa sa Sta. Rosa, Laguna at nagawa na rin itong ipahayag sa isang international journal.
Naobserbahan umano sa pag-aaral na ang mga pasyenteng nakakainom ng VCO ay nakakarekober sa COVID-19 sa loob ng dalawang araw lamang, habang ang mga hindi naman nakakainom ng VCO ay karaniwang gumagaling matapos ang lima hanggang anim na araw.