Inihayag ni Department of Science and Technology (DOST) Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya na mayroong potensyal ang paggamit ng virgin coconut oil (VCO) laban sa COVID-19.
Ayon kay Montoya, base sa dalawang clinical studies, ang VCO ay maaring gawing mouth wash at nasal inhaler dahil kaya nitong pumatay ng 60% hanggang 90% ng virus.
Dadag pa ni Montoya, makakatulong ito para maibsan ang mga sintomas ng COVID-19 na nararamdaman ng mga may mild symptoms at suspected COVID patients.
Samantala, namuhunan ang DOST ng 8.4 na milyong piso para matukoy ang kaligtasan at bisa ng VCO bilang pandagdag na gamot para sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19. —sa panulat ni Kim Gomez