Nagtapos sa top 16 ang journey ng pambato ng Pilipinas na si Veejay Floresca sa Miss Trans Star International 2022.
Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Veejay ang lahat ng mga tumulong sa kanya sa paghahanda para sa nasabing kompetisyon.
Say pa ni Veejay, kahit hindi niya naiuwi ang korona ay masaya siyang babalik sa Pilipinas, dala ang kanyang mga amazing experience.
Wagi naman sa nasabing pageant ang pambato ng Nicaragua na si Tiffany Gonzalez habang itinanghal bilang first runner-up si Ivanna Diaz ng Mexico, at second runner up naman si Sofia Colmenarez ng Venezuela.