Lumago ng 24.6 percent ang vehicle sales sa bansa noong isang taon.
Katumbas ito ng 359,572 units na naibenta sa taong 2016 kumpara sa mahigit 341,000 units noong 2015.
Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Incorporated at Truck Manufacturers Association, umabot sa 133,188 units ang car sales habang pumalo sa 226,384 ang commercial vehicle sales.
Nangunguna pa rin ang Toyota Motor Philippines sa vehicle sales na mayroong 44.14 percent share sa market; Mitsubishi Motors, 17.08 percent; Ford, 9.37 percent; Isuzu Philippines, 7.61 percent at Honda Cars Philippines, 6.45 percent.
By Drew Nacino | Business Mirror