Pormal nang nahalal bilang House Speaker si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.
Ito ay matapos ideklara ng 187 congressmen na bakante ang posisyong House Speaker at kalaunan ay inihalal si Velasco bilang lider ng Mababang Kapulungan sa isinagawang sesyon sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.
Bumoto ang 186 congressmen pabor sa mosyon ni Buhay Party -list Representative Lito Atienza para ideklarang bakante ang posisyong House Speaker kasunod nang pagsusulong ng siyam na kongresista na kinabibilangan nina Congressmen Joey Salceda, dating Deputy Speaker Mikee Romero at Esmael Mangudadatu, ang kandidatura ni Velasco para sa speakership.
Nanguna sa nasabing sesyon si Deputy Speaker Conrado Estella III samantalang nagsilbi namang Majority Floorleader si Pampanga Congressman Juan Pablo Rimpy Bondoc.
Kaagad namang nanumpa si Celasco bilang bagong sSpeaker of the House at nagpasalamat kina Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Senador Bong Go.
Ipinaabot din ni Velasco ang paanyaya kay Congressman Alan Peter Cayetano para sa isang pagpupulong.
Una nang inihalal ng mga kongresistang nasa panig ni Velasco si Atty. Jocelia Bighani-Sipin bilang House Secretary General kapalit ni Atty. Jose Luis Montales at House Sergeant at Arms naman si Retired Police General Mao Aplasca kapalit ni Retired Police Deputy Director General Ramon Apolinario.