Mariing itinanggi ni Congressman Lourd Allan Velasco ang akusasyon na mayroon silang nilulutong kudeta laban kay House Speaker Allan Peter Cayetano.
Ayon kay Velasco, nais lamang ng mga nagpapakalat ng balita na magkawatak watak ang Kongreso at madiskaril ang legislative agenda ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin ni Velasco na iginagalang nya ang pinasok nilang term sharing agreement ni House speaker Allan Peter Cayetano.
Sa Oktubre pa nakatakdang maupo bilang House speaker si Velasco, batay sa term sharing agreement.