Pormal nang itinalaga bilang pinuno ng Kamara si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.
Sa botong 186, pabor kay Velasco, ng mga miyembro ng Kamara, opisyal nang niratipikahan ang una nang pagluklok kay Velasco na ginanap sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City, kahapon, Lunes, ika-12 ng Oktubre.
Ginanap ang pagratipika sa House Plenary Hall —ilang oras bago ang inaasahang special session upang ipagpatuloy ang deliberasyon ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Cayetano nagbitiw bilang House Speaker
Nagbitiw na si Taguig Representative Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng Kamara. Sa isang Facebook live, inianunsiyo ni Cayetano ang kaniyang pagbaba bilang House Speaker.
Kaugnay nito, sinabi ni Cayetano na iisa lamang ang kaniyang pakiusap sa kanyang kapwa mambabatas at ito ay ang maipasa ang panukalang P4.5-trilyon na pambansang budget.
Ang ginawang resignation ni Cayetano ay kasunod ng ratipikasyon ng Kamara de Representantes sa eleksyon ni marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong House Speaker.