Umapela si House Speaker Lord Allan Velasco sa Food and Drug Administration (FDA) na kung maaari ay huwag nang pahirapan ng lubos ang proseso para sa aplikasyon ng local pharmaceutical companies upang makakuha ng certificate of product registration at emergency use authorization permits sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ani Velasco, napakahalaga ng papel ngayon ng mga local pharmaceutical companies dahil sila ang maaaring makapag-provide ng mga gamot na maaaring gamitin para labanan ang COVID-1.
Nauunawaan aniya ni Velasco na maraming pag-aaral ang kailangang pagdaanan ng isang gamot para makakuha ng kaukulang sertipikasyon ngunit posible rin umanong mapadali ang proseso nito kung tatanggalin ang mga “unnecessary red tape” o ang mga paulit-ulit lamang na rekesito.
Binanggit ni Velasco ang mga noo’y napaulat na ilang taon nang pagkakatengga ng mga produkto ng ilang local drug manufacturers sa regulatory dahil sa hindi matapos-tapos na requirements.