Iginiit nina House Speaker Lord Allan Velasco at Congressman Joey Salceda ang pagpasa sa Bayanihan 3 na magkakaloob ng cash subsidy sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Velasco, mas kailangang maipasa ang Bayanihan 3 dahil sa muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20.
Kaya nga’t umaapela aniya sila sa Senado na ipasa na ang nasabing panukala at maging sa economic managers na hanapan na ng pondo ang panukalang ito.
Sinabi naman ni Salceda na wala nang ibang paraan para makaagapay sa patuloy na epekto ng pandemya kundi magkaroon ng supplemental budget sa pamamagitan ng Bayanihan 3.