Tanging mga bakunado na laban sa COVID-19 ang papayagang magtinda sa mga Christmas bazaar at tiangge sa NCR.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na ipatupad ang unified standard sa mga seasonal stores.
Sa inilabas na resolusyon ng MMDA, dapat na fully vaccinated na ang lahat ng traders, salespersons, exhibitors, organizers, at iba pang personnel bago magsagawa ng Christmas bazaars, mga tiangge, at pop-up stores.
Paliwanag ni Abalos, makatutulong ito upang maiwasan ang pagkalat ng virus dahil ang mga vendor ay nagmumula sa iba’t ibang lugar na magpapahirap sa contact tracing na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan.—mula sa panulat ni Hya Ludivico