Niyanig ng 7.3 magnitude ng lindol ang eastern coast ng Venezuela, kung saan matatagpuan ang komunidad ng mga mangingisda.
Ayon kay Venezuelan Interior Minister Nestor Reverol, wala pang report kung mayroong nasawi sa malakas na lindol.
Hindi pa rin matiyak kung naapektuhan ang industriya ng langis sa Venezuela na itinuturing na pinakamalaking crude reserves sa mundo.
Tumama ang lindol sa gitna ng economic crisis na nararanasan ng Venezuela.
—-