Libu-libong Venezuelan na ang patuloy na umaalis ng bansa sa gitna ng lumalalang krisis at nagbabadyang pamamayagpag ng diktadurya ni President Nicolas Maduro.
Sa Lunes inaasahang magsasagawa ng eleksyon sa Venezuela pero nanganganib matalo ang authoritarian government ni Maduro.
Malaki ang pangamba ng mga mamamayan na gamitin ng Pangulo ang kapangyarihan nito upang manipulahin ang resulta ng halalan at maghasik ng takot para lamang manatili sa puwesto.
Ito’y dahil hawak na rin ng Maduro administration ang lehislatura matapos ang paglikha sa super-congress na nagbigay ng “absolute power” sa gobyerno.
Mas pinili ng mga nagsisitakas na Venezuelan na tumawid sa Colombian border at iba pang Latin American country upang takasan ang nagbabadyang diktadurya.
—-