Nangatwiran ang Malacañang kung bakit sa loob ng Kampo Aguinaldo at hindi sa EDSA People Power Monument gaganapin ang simpleng selebrasyon ng EDSA People Power Anniversary.
Sinabi ni Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na sa loob ng Kampo Aguinaldo unang nagsimula ang rebolusyon sa pangunguna ni dating Pangulong Fidel Ramos at nagmartsa patungong EDSA kasama ang mga tinaguriang “EDSA Heroes” gaya ni Jaime Cardinal Sin at iba pa.
Nais aniya ng EDSA People Power Commission na gamitin ang pagkakataon para magnilay-nilay kung ano ang nangyari pagkatapos ng 30 taon.
Binigyang-diin ni Guevarra na kung simple man ang gagawing selebrasyon, hindi ibig sabihin nito na maliit lamang ang ibinibigay na importansya sa EDSA People Power.
By Meann Tanbio | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)
*Presidential Photo