Pinalilipat ng Pangulong Rodrigo Duterte ang venue ng joint naval exercises ng Pilipinas at Amerika sa mga susunod na taon.
Ayon kay Defense secretary Delfin Lorenzana, ang pangulo mismo ang humiling sa kaniyang ilipat ang naval drills para makaiwas sa disputed South China Sea habang inaayos pa aniya ng pangulo ang relasyon ng Manila at China.
Sinabi ni Lorenzana na posibleng ilipat ang drills sa Mindanao area para iwasan ang banggaan ng militar ng bansa at Chinese navy na nasa West Philippine Sea.
Una nang nag-desisyon ang pangulo na bawasan ang drills ng bansa kasama ang dating long term ally at colonial master na Estados Unidos.
By Judith Estrada-Larino / (Photo Credit: Reuters)