Magiging maliit na lamang ang selebrasyon ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power ngayong taon.
Kinumpirma mismo ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang gagawin na lamang sa loob ng Camp Aguinaldo ang pagdiriwang at hindi sa nakagawiang EDSA People Power Monument.
Ayon kay Ramos, sinabi sa kanya Executive Secretary Salvador Medialdea na dahil wala pang emergency power ay ililipat na muna ang venue upang hindi makasagabal sa trapiko.
Kasabay nito, binatikos ni Ramos ang EDSA People Power Commission na pinamumunuan din ni Medialdea dahil hanggang ngayon ay wala pa itong inilalabas na schedule o guidelines para sa nasabing event.
Samantala, hindi naman naiwasan ng dating Pangulo na ihayag ang kanyang pagkontra sa ilang mga desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag pa nitong mga kapalpakan.
Gaya ng pag-take over ng pdea sa trabaho ng PNP o Philippine National Police sa kampanya kontra droga, pagbanat sa halip na panliligaw sa komunistang grupo, pagpapatapon sa mga tiwaling pulis sa Mindanao at pagbabalik ng Philippine Constabulary.
By Rianne Briones
Credit: Malacañang Photo Bureau