Laglag na sa Mubadala Silicon Valley Classic ang women’s tennis association third-seeded at American tennis superstar na si Venus Williams.
Natalo si Williams sa Greek tennis player na si Maria Sakkari sa set na 6-4, 7-6 sa kanilang paghaharap sa quarterfinals sa San Jose, California, sa Estados Unidos.
Umabante naman si Sakkari upang makaharap ang isa pang American tennis player na si Danielle Collins.
Nakarating sa semifinals si Collins makaraang mag-retire ang dating first seeded na si Victoria Azarenka ng Belarus dahil sa injury sa kanang hita sa kanilang paghaharap sa quarterfinals.