Aminado ang Vaccine Expert Panel o VEP na wala pa silang malinaw na rekomendasyon sa pagbibigay ng booster shots o third shot ng COVID-19 vaccine sa ilan pang sektor.
Ayon kay VEP Head, Dr. Nina Gloriani, sa gitna ng patuloy na pagbabantay sa mga kaganapan sa ibang panig ng mundo ng all experts’ group, marami pang dapat ikonsidera sa pagbibigay ng booster shots.
Kabilang na anya rito ang breakthrough cases na maaaring nagmumula sa mga healthcare worker o sa iba pang mga mamamayan.
Inihayag naman ni Gloriani na pinag-aaralan na nila ang pag-iisyu ng guidelines sa pagtuturok ng booster shots o ikatlong dose ng COVID-19 vaccine.—sa panulat ni Drew Nacino