Itinuturing na legally binding ni Pangulong Rodrigo Duterte ang berbal na kasunduan nito kay Chinese President Xi Jinping hinggil sa pangingisda sa EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinapahayag lamang niya ang posisyon ng pangulo sa isyu kaya’t wala na siyang magagawa sa mga hindi sumasang ayon sa pangulo.
Sinabi ni Panelo na mayroong karapatan ang sinuman na magkaroon ng sariling interpretasyon.
Una rito, kapwa sinabi nina Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi bahagi ng national policy ang verbal agreement ng pangulo at Xi Jinping.
Nang tanungin kung mali ang interpretasyon nina Locsin at Nograles, sinabi ni Panelo na hindi yun ang sinasabi ng pangulo.
(with report from Jopel Pelenio)