Tinatayang aabot sa 7.5 million pesos ang pondong kakailanganin ng Verde Soko Philippines Industrial Vorporation upang tuluyan nang maibalik sa South Korea ang natitirang 5,000 metric tons na basura na itinambak nila sa Pilipinas.
Una ng sinabi ng kompaniya sa pamamagitan ng kanilang representante na si Engr. Niel Alburo na sasagutin ng Verde Soko ang lahat ng gastusin para makuha na ang mga naturang basura sa pamamagitan ng isang local based company.
Ayon kay Sangguniang Panlalawigan Board Member Boboy Sabal, siniguro na sa kanila ng Verde Soko na aakuin nito ang pagbabayad sa repacking, containerizing at pagbyahe ng basura mula Tagoloan, Misamis Oriental patungong Mindanao International Container Terminal o MICT.
Nabatid na nagkasundo na ang mga government officials ng Tagoloan, Misamis Oriental at ang kinatawan ng South Korea na si Ministry of Environment Director General Jung Young-Dae na i-transport na ang basura pabalik ng SoKor ngayong darating na June 30.