Maging alerto at mahigpit na sumunod sa health protocols.
Ito ang paalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga COVID-19 survivors dahil maaaari pa ring mahawahan ng virus kahit pa naka recover na sa sakit.
Hinimok ni Vergeire ang mga COVID-19 survivors na magpabakuna na bilang dagdag proteksyon.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, mahigit 2-M na ang nakaka recover sa COVID-19.