Naniniwala si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kuwalipikadong umupo sa ahensiya si Dating Philippine National Police Chief Camilo Cascolan.
Ayon kay Vergeire, mayroong mga trabaho rin sa kagawaran na kailangan para sa mga operations.
Matatandaang, inulan ng batikos ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Cascolan bilang undersecretary ng DOH dahil insulto umano ito sa mga medical workers.
Aniya, desisyon na ng pangulo na magtalaga ng sinuman sa DOH kahit walang medical degree.