Metrics ang pangunahing pagba-basehan ng posibleng pagsailalim sa alert level 1 ng NCR.
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa gitna na rin nang pagpapalakas ng kampanya ng gobyerno kontra COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na kailangang ma sustain ang low risk classification ng NCR sa loob ng dalawang incubation period.
Dapat aniyang matutukan pa rin ang mobility, pagsunod sa minimum public health standards at pagtugon ng Local Government Units (LGUs) sa pandemya.
Inihayag ni Vergeire na kapag tumaas ang mobility inaasahan na ng doh na ang hindi gaano o mababang pagsunod ng publiko sa minimum health standards ay magre resulta sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.