Nananatiling very good ang net satisfaction rating ng administrasyong Duterte o katumbas ng positive 64.
Ito ay ayon sa resulta ng bagong survey ng SWS o Social Weather Stations na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang 26.
Batay sa resulta ng survey, 75 percent ng mga respondent ang nagsabing kuntento sila sa performance ng pamahalaan, 17 percent ang undecided habang 11 percent ang hindi naman nasisiyahan.
Bukod dito, nakakuha rin ng very good na grado ang pamahalaan sa paghawak ng mga usapin kaugnay ng human rights protection, pagtulong sa mga mahihirap, pagdepensa sa teritoryo ng pilipinas at pagbibigay ng trabaho.
“Good” naman ang nakuhang marka sa usapain kaugnay ng paglaban sa terorismo, foreign relations, paglaban sa krimen, pagpuksa sa kurapsyon, paresolba sa extrajudicail killings, pakikipag-usap sa mga rebeldeng Moro at komunista at kagutuman.
By Krista de Dios