Nananatiling “very good” ang satisfaction rating ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling quarter ng taong 2016.
Sa isinagawang survey ng SWS o Social Weather Stations mula December 3 hanggang 6, 2016 sa may 1,500 respondents, 73 percent ang nagsabing kuntento sila sa performance ng national government, 12 percent ang hindi kuntento at 13 percent ang undecided.
Dahil dito, nasa positive 61 ang net satisfaction rating ng administrasyong Duterte.
Mas mababa ito kung ikukumpara sa resulta ng third quarter SWS survey na positive 66, kung saan 75 percent ang nagsabing kuntento sila at walong porsyento ang dissatisfied.
Lumalabas din na wala pang administrasyon na nakakuha ng excellent mark sa SWS survey.
Kapwa nakakuha ng “very good” satisfaction ratings ang administrasyon Duterte at dating Pangulong Benigno Aquino III sa unang dalawang quarter ng kanilang panunungkulan.
By Meann Tanbio