Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “very good” satisfaction rating” sa unang quarter ng 2017.
Batay sa isinagawang survey ng SWS o Social Weather Stations mula March 25 hanggang 28, 75 percent ang nagsabing kuntento sila sa performance ng Pangulo.
Labing dalawang porsyento naman ang nagsabing hindi sila kuntento at 12 percent ang undecided.
Lumalabas na nakakuha si Pangulong Duterte ng +63 “very good” net public satisfaction rating.
Ang SWS survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face to face interview sa may 1,200 respondents.
By Meann Tanbio