Nakapagtala ng lagpas sa 20% na COVID-19 positivity rate ang 14 na lugar sa bansa nitong July 29.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang mga lugar na nakapagtala ng very high na COVID-19 positivity rate ay ang Albay, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.
Sa mga lugar na ito, ang Isabela ang may pinakamataas na positivity rate na mayroong 36.3% mula sa 25.7% noong July 23.
Samantala, bahagya ring tumaas sa 15% ang COVID-19 positivity sa National Capital Region (NCR) mula sa 14.5%na naitala noong July 27.
Kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,996 bagong nahawa sa COVID-19 sa bansa, dahilan para sumampa sa 33,509 ang active cases.