Pumanaw na ang beteranang aktres na si Lucita Soriano, sa edad na 74.
Kinumpirma ni Garry Clint Adriano Garcia, na binawian ng buhay ang kanyang ina habang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Pacific Global Medical Center sa Novaliches, Quezon City, kahapon.
Dekada 50 nang makilala ang beteranang aktres sa mga pelikula ng LVN Pictures tulad ng Alembong at Little Lucy habang ang pinakahuli nitong ginampanang papel ay sa pelikulang Babae sa Breakwater.
Naka-trabaho rin ni Soriano ang ilan pang batikan at de-kalibreng aktor at kapwa aktres tulad nina Fernando Poe Junior, Dolphy, Eddie Garcia, Vilma Santos at Nora Aunor.
By Drew Nacino