Sumakabilang-buhay na ang aktres na si Mely Tagasa o mas kilala bilang si Miss Tapia sa 80’s sitcom na “Iskul Bukol.”
Sa edad na 82, tuluyang namaalam kahapon si Mely kahapon matapos ilang araw na ma-coma.
Kinumpirma ng mga anak ni Miss Tapia na sina Gina at Lani na dakong 12:30 ng hatinggabi nang bawian ng buhay ang kanilang ina.
Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang mga kaibigan sa showbiz ni Mely kabilang ang direktor at scriptwriter na si Bibeth Orteza at aktres na si Coney Reyes.
Nakilala si Mely bilang Liwayway Gawgaw Tapia sa isa sa mga longest situational comedy show na Iskul Bukol na pinagbidahan nina Tito, Vic and Joey noong 1977 hanggang 1990.
Nito lamang nobyembre ng nakaraang taon, ginawaran si Tagasa ng kanyang sariling star sa Philippine Walk of Fame sa Eastwood City.
Nakilala si Mely sa kanyang mga supporting role sa iba’t ibang pelikula at TV series at bilang writer ng ilang pelikula tulad ng “Kastilyong Buhangin” na pinagbidahan nina Lito Lapid at Nora Aunor.