Dinampot ng mga otoridad si veteran journalist Howie Severino sa Quezon City matapos nitong ibaba saglit ang kaniyang face mask para uminom.
Sinasabing si Severino ay dinala ng barangay officials sa Amoranto Stadium para sa umano’y maikling seminar hinggil sa kahalagahan ng pagsusuot ng face mask.
Inihayag ni Severino na saglit siyang huminto sa isang bike shop at bumili ng inumin sa katabing tindahan kasama ang kaniyang bike buddies na kapwa rin nakasuot ng face mask
Ayon naman kay Severino nagulat na lamang siya nang huminto ang tatlong sasakyan lula ang mga law enforcers ng Quezon City sa harap niya at inaresto siya dahil sa kawalan ng mask gayung ibinaba lamang niya ang kaniyang suot na face mask para makainom at naisoli pa niya ang bote sa binilhang tindahan.
Dumating aniya siya sa Amoranto Stadium kung saan naruon ang daan-daang katao at ipinaliwanag niya sa mga empleyado ng Quezon City na recovered patient na siya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), tatlong beses na siyang nag negatibo sa pinakahuling tests at positibo sa antibodies matapos gumaling at makalabas na ng ospital kayat zero o halos walang chance na makahawa pa siya.
Sinabi pa ni Severino na nag alok pa siyang magsalita sa seminad at ibahagi ang kaniyang karanasan bilang COVID-19 recovered patient subalit ibinalik ang kaniyang bike at sinabihang pu puwede nang makauwi.
Binigyang diin ni Severino na sinunod niya ang safety protocols kabilang ang mahabang isolation at quarantine pagkalabas niya ng ospital hanggang maideklarang recovered patient at sa katunayan ay nakapag donate pla ng plasma para sa mga nasa kritikal na kondisyon na COVID-19 patients.